听
(ENERO 26)鈥擬alugod na inihahatid ng UP Tanggapan ng Presidente, UP Tanggapan ng Bise Presidente para sa Pang-Akademikong听 Gawain, at UP Kolehiyo ng Musika ang Gawad Pangulo Choral Competition sa darating听 na ika-4听 ng Marso 2016. Idaraos ito sa UP Theater sa ganap na ika-6 ng gabi. May tema itong 鈥淥ne UP for the Nation and for the World鈥.
Ang mga nakapasa upang magtagisan ng husay sa pag-awit ay ang sumusunod: UP Staff Choral Society (UP Diliman), UP Engineering Choir (UP Diliman), Public Health Artists Circle (UP Manila), UP College of Pharmacy Junior Ambassadors of Music (UP Manila), Sugbuanong Huni (UP Cebu), UP Open University Chorale (UPOU), Tinig听 Amianan (UP Baguio) at Makiling Chamber Singers (UP Los Ba帽os).
Ang lahat ng grupo ay await ng isang choice piece at isang contest piece. Ang contest piece ay kinomisyon ng komite ng UP Gawad Pangulo Choral Competition na pinangungunahan nina Dr. Jose Buenconsejo at Dr. Raul Navarro ng UP Kolehiyo ng Musika. Isinulat ni Bb. Marra PL. Lanot ang mga titik ng awit at ang musika naman ay nilikhang kompositor na si Dr. Maria Christine Muyco.
- Share:
