鈥淣gayong taon, igigiit ng 碍耻濒锚 ang paninindigan nitong ipagpatuloy ang radikal na tradisyon ng pamamahayag sapagkat ito ang dahilan kung bakit tayo naririto,鈥 ayon kay Rona Pizarro, ang bagong punong patnugot ng Philippine Collegian (碍耻濒锚) para sa Akademikong Taon (AT) 2023-2024.

Ipinahayag ito ni Pizarro sa ginanap na seremonya ng pagtatalaga at panunumpa ng bagong patnugutan ng 碍耻濒锚 noong Agosto 1 sa Bulwagang Alcantara, Student Union Building.
Kasama ni Pizarro sa papas贸k na bagong patnugutan (editorial board) sina Gretle C. Mago (kawaksing patnugot), Sean Marcus Ingalla (tagapamahalang patnugot), Frenzel Julianne Cleofe (business manager), Daniel Sebastianne B. Daiz (patnugot ng mga balita), at Venus Samonte (layout editor). Sina Daiz, Mago, at Samonte ay kasapi ng papalabas na patnugutan para sa AT 2022-2023.
鈥淪a panahon ng disimpormasyon at patuloy na pag-atake, lalo na sa mga karapatan ng mga estudyante鈥檛 mamamahayag, hindi na lamang simpleng tagapagtala鈥檛 tagapag-ulat ng mga pangyayari ang pahayagan. Bagkus, aktibo itong kikilos at sasama sa mga kampanya at laban ng mamamayan,鈥 dagdag ni Pizarro.

Aniya, sisikapin din ng bagong patnugutan na ibalik sa lingguhang operasyon ng pagpapalabas ang 碍耻濒锚.
鈥Pagsisiguro ito ng ating presensya sa mga pisikal na espasyo. Pagsisiguro ito na ang dyaryong bitbit ng mga mambabasa ay lagi鈥檛 laging nagpapatambol ng mga isyung kasalukuyang dumadaluyong sa lipunan鈥-ito ang dyaryo ng聽碍耻濒锚,鈥 aniya.
Sa nasabing seremonya, binigyang-parangal din ang papalabas na patnugutan sa pangunguna ni Daiz bilang punong patnugot. Kasama niya sina Mago (kawaksing patnugot), Venus Janelle G. Samonte (tagapamahalang patnugot), Frenzel Julienne P. Cleofe (business manager), at Polynne E. Dira (features editor).

Sa kaniyang mensahe, ipinahayag ni Daiz ang naging layunin ng kaniyang patnugutan na pasiglahin muli ang kalagayan ng 碍耻濒锚.
鈥淲hen we started this editorial term 10 months ago, we embarked on a mission to restamp the聽颁辞濒濒别驳颈补苍鈥檚聽relevance in university life. We charted that goal, bearing in mind that we must regain lost ground during the two years of physical separation brought by the COVID-19 pandemic. 碍耻濒锚 used to be a household name for every UP student, and we wanted that back,鈥 ani Daiz. Ang grupo ni Daiz ang nanguna sa 碍耻濒锚 sa ika-100 taon nito mula nang maitatag.
鈥淭o be in the Collegian is to assume a position of national significance as it is the paper of record of student history in our country. To be its editor-in-chief is to continue the tradition of honor and excellence across changing contexts and audiences,鈥 habilin ni Fernando dlC. Paragas, PhD sa ipinadala niyang recorded video message para sa bagong patnugutan.
Si Paragas ay dekano ng 黑料专区 Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla (College of Mass Communication / CMC) at namuno sa komiteng pumili ng mga kasapi ng bagong patnugutan. Kasama niya rito sina Danilo Arao, kawaksing propesor sa CMC, at Lisa Ito-Tapang, katuwang na propesor sa Kolehiyo ng Sining Biswal.

Samantala, ipinaalala ni Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II ang kahalagahan ng pagiging kasapi ng 碍耻濒锚 at ang mga kaakibat nitong mga responsibilidad.
鈥淎ng news, fleeting iyan. Meaning mapapalitan iyan agad ng ibang news. But then your actions and what you say would have repercussions that will not be fleeting,鈥 pahayag ni Vistan.
Kaniya ring idinagdag na, 鈥淭ruth is sometimes described as inconvenient to a certain extent. Pero sa totoo lang, that is the most convenient course of action. Hindi mo na ito babawiin. Hindi mo na ito kailangang pagtakpan. Just stick with the truth. And that鈥檚 the simplest, most, as I鈥檝e said, convenient course of action if you are presented with choices that are difficult.鈥
Sa kaniyang pagwawakas, ipinaalala ni Vistan na hindi na menor de edad ang mga nasa 碍耻濒锚 at may mga pananagutan na sila sa lipunan.
鈥淎nd I think that makes your role as Collegian writers, members of the editorial board, or student-leaders, more consequential. Because you are full-fledged, legally capacitated members of society, hindi puwedeng sabihin na estudyante lang iyan. You鈥檙e adults; what you say matters,鈥 ani Vistan.
Dumalo rin sa seremonya sina Bise Tsanselor para sa mga Gawaing Pangmag-aaral Jerwin F. Agpaoa, mga dekano ng iba鈥檛 ibang kolehiyo, at mga opisyal sa ilalim ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa mga Gawaing Pangmag-aaral.

- Share: