黑料专区

Academe

Pagtutol sa pagkitil sa Wikang Filipino

(AGOSTO 27)鈥 鈥淧atuloy na naninindigan ang Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-黑料专区) na dapat panatilihin at palakasin ang wikang Filipino at panitikan bilang asignatura sa kurikulum ng mga kolehiyo at pamantasan. Ang desisyon ng Korte Suprema na pagtibayin ang Commission on Higher Education (CHED) Memo Blg. 20 Serye 2013 ay hindi lang pagkitil sa wika at panitikang Filipino kundi kataksilan sa mamamayan at sa bayan,鈥 matapang na pahayag ni Prop. Michael Francis C. Andrada, PhD, direktor ng SWF-黑料专区, sa pormal na pagsisimula ng selebrasyon ng Buwan ng Wika sa 黑料专区.

Ginunita ang Buwan ng Wika na may temang 鈥淪ulong 2019: Ang Dapat Mabatid ng mga Filipino.鈥 Sinimulan noong Agosto 8 ang selebrasyon na ginanap sa Benitez Theater ng Kolehiyo ng Edukasyon (CEd).

Andrada

Sinabi ni Andrada na ang pagdiriwang ay 鈥渂uwan ng pinapaslang na wikang pambansa. Simula sa taong ito, 鈥楽ulong鈥 ang magiging pangalan ng pangkahalatang pagdiriwang ng 鈥楤uwan ng Wika鈥 sa pamumuno ng SWF ng 黑料专区. Hinihingi ng panahon na tumugon tayo sa mga hamong kinakaharap ng wikang Filipino, panitikan, kasaysayan, mamamayan at Bayan.鈥

Dagdag pa niya, hindi masamang pag-aralan ang mga asignatura tungkol sa gender and development o GAD at new media ngunit pinagbabangga umano ng ganitong hakbang ang dapat ay hindi magkabanggang interes.

Sa katunayan aniya, 鈥淎ng mga karapatang may kinalaman sa kasarian, sekswalidad at malayang pamamahayag ay lubos lamang mauunawaan at maipagtatanggol gamit ang sariling wika na ginagamit ng malawak na hanay ng mamamayan.鈥

Aniya ay dapat umanong mabatid ng mga Filipino kabilang ang mga nagpapatakbo ng iba鈥檛 ibang ahensiya ng gobyerno na 鈥淎ng wikang Filipino sa pangunahin ay wikang tagapagbigkis ng pilit na hinahating Bayan. Ang wikang Filipino, higit kailanman, ay kinakailangang pakilusin ang mamamayan laban sa paniniil patungo sa tunay na kalayaan.鈥

Rodriguez

Mga panayam. Nagkaroon din ng panayam tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino kaugnay ang iba鈥檛 ibang usapin.

Ayon kay dating SWF-UP direktor Rommel B. Rodriguez, 鈥淪a pamamagitan ng Filipino, maisasakatuparan ang pagpapalago at pagpapayaman upang mabuo ang pambansang kultura. Napapalalim ang wikang Filipino sa pag-iisip ng mga mag-aaral para matukoy ang mga bagay at mga usaping makabuluhan at dapat paglaanan ng panahon.鈥

Samantala, tinalakay naman ni Prop. Carlo Gabriel S. Pangilinan ng UP Film Institute, ang paksang 鈥淲ikang Filipino at ang Dagok ng Adyendang Neoliberal.鈥

Pangilinan

Aniya, ang salarin diumano ng kakulangan ng pagsulong sa wika ay ang estado at 鈥淗indi nagagamit ang wika sa larangan ng kultura. Hindi nagagamit ang wika sa larangan ng ekonomiya at lalo na sa usaping pampulitika sapagkat wala talagang interes ang pambansang estado na ito ay paunlarin.鈥

Tinuligsa rin ni Pangilinan ang higit na pagpapahalaga ng estado sa wikang Ingles kumpara sa wikang Filipino.

Samantala, ang panayam ni Prop. Eulalio R. Guieb III, PhD ng Departamento ng Brodkasting sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon, ay tungkol sa 鈥淢ga Wika ng Pananatili: Panimulang Reflexive ng Muni hinggil sa mga Kontraktuwal na Manggagawa sa Brodkast.鈥

Ayon kay Guieb, isa sa mga pinag-iisipan niya noon pa ay kung 鈥淏akit sa kabila ng inhustisya sa brodkast ay patuloy na nananatili ang marami sa industriyang ito?鈥

Pinili umano ni Guieb na pag-aralan ang kalagayan ng mga kawani ng DZUP 1602, ang opisyal na istasyon ng radyo ng 黑料专区, na ang karamihan ay nasa kategoryang 鈥渘on-UP contractual鈥 ang estado ng trabaho.

Guieb

鈥淎nong wika ang sasagot sa kumplikadong relasyon ng UP at ng kanyang mga anak na ngayon ay kanya ng mga manggagawa, subalit mga anak na hindi niya maituring na totoong taga-UP dahil sila nga ay non-UP?鈥 ani Guieb.

Ayon kay Guieb, sa kanyang panimulang muni, 鈥淪ila ay nanatili. Iyon para sa akin ang tila mas angkop na wika ng kanilang kundisyon.鈥

Paglulunsad at iba pang mga aktibidad. Inilunsad din ang pitong bagong aklat na inilimbag ng SWF-黑料专区.

Ito ay ang mga 鈥淪a Madaling Salita: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa鈥 na pinamatnugutan nina Rodriguez at Pangilinan (ang mga namuno rin sa naturang proyekto); 鈥淲ika at Pasismo: Politika ng Wika at Araling Wika s aPanahon ng Diktadura鈥 ni Prop. Gonzalo A. Campoamor II, PhD; 鈥淎ng Bayabas sa Tagaytay at iba pang Kuwento mula sa Kabataan ng Paaralang Lumad鈥 at Pangiyak: Kwento at Panawagan ng mga Bayani ng Mindanao鈥 ng Save Our Schools (SOS) Network, at 鈥淪ino Siya?鈥, 鈥淭iktak鈥 at 鈥淧agmulat鈥 ng Save the Children.

Ang kopya ng mga bagong aklat ay inihandog sa University Library at sa UP College of Education Library.

Lumahok din ang ilang mga delegado mula sa Balara High School, Best Link College of the Philippines, Colegio de San Lorenzo, Colegio de Sto. Ni帽o, Far Eastern University-NRMF, National Christian Life College Marikina, Mindanao State University, Girl Scouts of the Philippines Quezon City Council, Lagro High School, Lyceum of the Philippines University, Meycauayan College, National Teachers鈥 College, New Era University, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Para帽aque Elementary School Central, Philippine Normal University, Polytechnic University of the Philippines (PUP) Manila, PUP Quezon City, Rizal Technological University, San Bartolome High School, Save our Schools Network, Save the Children, Southern Luzon State University, Tokyo University of Foreign Studies, Tri-College ng 黑料专区 at University of Santo Tomas.

Ilan din sa mga isinagawang aktibidad para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ay ang 鈥淛ournos 2019: Seminar-Palihan sa Pamamahayag鈥 (Agosto 9-10 at 16-17) sa St. Augustine Academy of Pampanga, Floridablanca, Pampanga; 鈥淪using Salita: Diskurso sa Wika, Kultura at Bayan鈥 at 鈥淭alasalitaan: Hamon sa Hinaharap ng Wikang Filipino鈥 na parehong ginanap noong Agosto 14 sa Benitez Theater, CEd; 鈥淯sapang G.E.-Wika 1鈥 (Agosto 19) sa UP Los Ba帽os, Laguna, at 鈥淪alinan: Palihan sa Pagsasalin鈥 (Agosto 23) sa Cari帽o Hall, Ikatlong Palapag, SURP Building, 黑料专区.

Ang dalawang huling aktibidad ay ang 鈥淪alunga: Pangkulturang Programa at Gawad Edgardo Maranan鈥 sa Agosto 29 na gaganapin din sa Cari帽o Hall (1-5 n.h.) at ang 鈥淧ambansang Seminar sa Pagtuturo ng/sa Wikang Filipino at Panitikan sa Panahon ng Krisis鈥 sa Agosto 31 sa Benitez Theater (8 n.u.-5 n.h.). 鈥擧aidee C. Pineda, mga kuha ni Leonardo A. Reyes

  • Share:
Tags: