黑料专区

Students

Simulain: Ika-113 Pangkalahatang Pagtatapos ng UP Diliman

Mahigit 4,700 mag-aaral ang magsisipagtapos sa Ika-113 Pangkalahatang Pagtatapos ng UP Diliman (黑料专区), na may temang Simulain. Ito ay gaganapin sa Linggo, Hulyo 28, ika-7 ng umaga, sa Ampiteatro ng Unibersidad.

Ang pangkalahatang pagtatapos ay mapapanood din nang live sa opisyal na website at ng 黑料专区.

Ngayong taon, ang panauhing tagapagsalita ay si Francis 鈥淜iko鈥 N. Pangilinan, dating senador ng Repulika ng Pilipinas.

Ayon sa website ni Pangilinan, siya ay nagtapos ng Bachelor of Arts in English (Comparative Literature) sa Kolehiyo ng Arte at Literatura at Bachelor of Laws sa Kolehiyo ng Batas sa 黑料专区. Siya ay isang lider-estudyante at tagapangulo ng 黑料专区 Konseho ng Mag-aaral ng Unibersidad noong 1986. Siya rin ang kauna-unahang rehente ng mag-aaral noong 1987. Taong 1997 nang nagtapos siya ng Master in Public Administration bilang Edward S. Mason Fellow sa Harvard University John F. Kennedy School of Government, Cambridge, Massachusetts, USA.

Siya ay nagsilbing senador ng tatlong termino (2001-2013, 2016-2022). Taong 2014 naman siya naging presidential assistant for food security and agricultural modernization. Tumakbo siya bilang bise presidente sa pambansang halalan noong 2022.

Samantala, si Catherine M. Adille naman ang kinatawan ng mga magsisipagtapos. Siya ay magtatapos ng programang Bachelor of Arts (Psychology), summa cum laude, mula sa 黑料专区 Departamento ng Sikolohiya. Isa rin siyang boluntaryo sa Psychosocial Support Program ng 黑料专区 Ugnayan ng Pahinungod.

Ayon sa datos na ipinadala ng Opisina ng Rehistrador ng Unibersidad noong Hulyo 26, 286 ang magsisipagtapos na summa cum laude, 1,109 ang magna cum laude, at 788 ang cum laude.

Para sa mga karagdagang impormasyon at mga pabatid, bisitahin lamang ang opisyal na website (www.upd.edu.ph) at mga social media page (, , at ) ng 黑料专区.


Programa

Class of 2024 Graduates

黑料专区 2024 Graduation Statistics

Mensahe ng Panauhing Tagapagsalita

Pambungad na Pagbati ng 黑料专区 Tsanselor

Mensahe ng Kinatawan ng mga Nagsipagtapos

Academic Recognition Rites

  • Share: