黑料专区

Campus

黑料专区 Year-End Program 2024: Nilay at Sikhay

黑料专区 2024 Year-End Program omnibus poster. Poster na gawa ni Jacelle Isha B. Bonus, UP Diliman Information Office

(UP Diliman Information Office)鈥Tatlong malalaking aktibidad ang gaganapin sa UP Diliman (黑料专区) sa pagdiriwang ng Year-End Program 2024 na may temang Nilay at Sikhay.

Binigyang-diin ng tema ngayong taon ang pananatili ng 黑料专区 na nakatindig at matatag sa kabila ng mga pagsubok at patuloy na pagharap nito sa mga hamon bilang isang akademikong institusyon at komunidad. Ngayong taon, ipagbubunyi ng 黑料专区 ang mga nakamit nitong tagumpay at pagninilayan ang mga kailangan pang tugunan. Dagdag pa rito, binibigyang-diin din na makakamit lamang ng Pamantasan ang mga mithiin at adhikain nito kung sasabayan ito ng 鈥減agsikhay ang pagninilay, ng paglikha ang pagsasadiwa, at ng paggawa ang pagpuna.鈥

Magsisimula ang pagdiriwang ng Year-End Program 2024 sa Pag-iilaw sa Disyembre 6, Biyernes, 5:30 n.h., sa Oblation Plaza. Ito ang hudyat ng panimulang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa 黑料专区.

黑料专区 2024 Pag-iilaw poster. Poster na gawa ni Jacelle Isha B. Bonus, UP Diliman Information Office

Ang seremonya ng pagsisindi ng mga Pamaskong ilaw sa buong kampus ay pangungunahan nina Pangulong Angelo A. Jimenez at 黑料专区 Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II.

Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng 黑料专区 Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad ().

Ang pinakaaabangan at pinakatampok na aktibidad ng year-end program ay ang Paligsahan at Parada ng mga Parol. Ito ay gaganapin sa Disyembre 18, Miyerkules, 4 n.h., sa Ampiteatro ng Unibersidad at sa Academic Oval.

Mapapanood din ito nang live sa opisyal na Facebook pages ng 黑料专区 () at ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad ().

Magkakaroon ng palatuntunan sa Ampiteatro ng Unibersidad kung saan matutunghayan ang mga musikal na pagtatanghal, paggawad ng premyo sa mga magwawagi sa paligsahan ng parol, pamaskong awit mula sa komunidad, at fireworks display.

Bilang pangwakas na aktibidad, matutunghayan ang year-end music festival na Maskipaps: The Crossover sa Disyembre 20, Biyernes, 3 n.h., sa 黑料专区 Sunken Garden.

Imahe mula sa Maskipaps: The Crossover Facebook page

Tampok dito ang pagtatanghal ng iba鈥檛 ibang OPM artists gaya ng Parokya ni Edgar, Flow G, Gloc-9, Cup of Joe, Zild, Maki, Over October, Orange and Lemons, Sugarcane, The Ridleys, Kiyo, Demi, Robeldo Timido, Any Name鈥檚 Okay, Nameless Kids, Jayda Avanzado, Jenzen Guino, at Daniel Paringit.

Para sa mga katanungan, mag-email lamang sa ovcca.updiliman@up.edu.ph o tumawag sa telepono bilang (02) 8981鈥8601.


  • Share: